-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagpapagaling nina NLEX star Kevin Alas at dating Meralco Bolts import Suleiman Braimoh.

Sa loob ng dalawang buwan ay magkasabay silang sumasailalim sa rehabilitations sa parehas na clinic sa lungsod ng Mandaluyong.

Kapwa nagtamo ang mga ito ng injuries sa PBA Commissioner’s Cup.

Mula Lunes hanggang Biyernes ay may tatlo hanggang apat na oras silang sumasailalim sa rehab sessions.

Noong Nobyembre ay nagtamo si Alas ng ACL injury habang si Braimoh ay torn Achiles.

Magkasunod din ang dalawa na inoperahan nong Diysembre.