-- Advertisements --
Ibinida ni KC Concepcion ang pagbati sa kanya ng Latina superstar na si Shakira.
Ito’y para sa kanyang cooking show kung saan nagbigay pa ng goodluck wish ang “Whenever, Wherever” hitmaker.
Sa naturang video ng 43-year-old Colombian singer, nagpapasalamat ito dahil tinatangkilik daw ng 35-year-old Megastar daughter ang kanyang musika.
Nabatid na ang Fil-Am rapper na si apl.de.ap ang may “gimik” sa naturang sorpresa kay KC o Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion sa tunay na buhay.