Tila hindi na paawat sa kanyang mga sexy posts si Maria Kristina Cassandra o “KC” Concepcion.
Ito’y dalawang linggo mula nang ianunsyo sa publiko na maluwag na nitong tinatanggap na hindi na maa-achieve ang pangkaraniwang “Asian, stick-thin body.”
Katunayan ay sinulit nito ang kanyang latest swimsuit photo habang nasa isang wellness resort sa Batangas.
Dito ay ibinalandra ng 35-year-old Megastar daughter sa kanyang mga celebrity at ordinary followers ang sexy back angle.
May “hugot effect” naman ito sa kanyang caption mula sa drag queen na si RuPaul na nagsasabing, kung hindi mamahalin ang sarili ay hindi rin nito makukuhang magmahal ng iba.
Mayroon din namang mga hindi masyadong revealing photo si KC, pero kanya itong binawi sa legs exposure.
Una nang inihayag ng TV host/actress na sana ay magsilbi siyang inspirasyon para sa iba pang kababaihan na pareho niyang may Latina curves o yaong may mas malalaking balakang, bewang at dibdib.
Samantala, wala pa ring “say” ang anak ni Sharon Cuneta hinggil sa pagkaka-link sa Fil-Am rapper na si Apl.de.ap.