Umapela si Cebu Governor Gwendolyn Garcia ng kooperasyon at suporta para lalo pang maisulong ang turismo hindi lamang ng Cebu kundi ng buong bansa.
Ginawa ni Garcia ang talumpati sa mga delegado ng kauna-unahang VisMin Tourism Congress 2023 na isinagawa nitong lungsod ng Cebu.
Sinabi pa ng opisyal na “very much needed” ito lalo na ngayong nakabangon na ang industriya ng turismo sa post-pandemic era.
Binigyang-diin ng gobernadora ang pangangailangan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang lubos na maisakatuparan ang potensyal ng turismo ng rehiyon, hindi lamang para sa Cebu kundi maging sa natitirang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Samantala, kasama sa mga delegado sa VisMin Tourism Congress ang mga kinatawan mula sa industriya ng hotel, resort, at restaurant, mga airline, at iba pang negosyong nauugnay sa turismo.
Ang VisMin Tourism Congress ay naglalayong maipakita ang masiglang destinasyon ng turismo at mga oportunidad sa paglalakbay na dumarami sa rehiyon.