-- Advertisements --
gomez 2

STAR FM CEBU -Target na magiging operational na sa susunod na buwan ang pinakabago at pinaka-modernong coronavirus disease(COVID-19) testing laboratory sa Ormoc City.

Kahapon Hulyo 3 nang pirmahan ng Ormoc City Government, Ospa-FMC at Energy Development Corporation (EDC) ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagtatatag ng isang molecular testing laboratory.

Pinakaunang lungsod sa Eastern Visayas ang Ormoc na may sariling covid testing center.

Batay sa MOA, ang lokal na pamahalaan ng Ormoc ang magbibigay ng technical support para sa laboratoryo.

Kasama dito ang pagbibigay ng mga fixtures, furnitures,facilities at pagsasagawa ng unannounced visit kung sinunod ba ang mga protocols ng Department of Health (DoH).

Ayon pa kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, mas madali ang paglabas ng mga resulta nito kumpara noon na dalhin pa sa Cebu at aabot ng ilang araw bago mailabas ang resulta.

Aabot din umano sa 300 swab test ang kaya bawat araw.

“More than 300 swabbings per day ang kaya. Even outside the region, Ospa can take samples from other areas,” ani Gomez.

Nagpapasalamat naman si Gomez sa EDC at OSPA sa pagtatag nito dahil malaki pa umano ang maitulong nito ngayong may kinakaharap na pandemya.