-- Advertisements --
DAVAO CITY – Usap-usapan ang pinakaunang LGBT (lesbian-gay-bisexual-transgender) Pride pedestrian lane na makikita sa Barangay Lapu Lapu, Agdao, Davao City.
Ayon kay Norman Baloro, commissioner ng Presidential Commission for the Urban Poor, pagpapakita ito sa malaking impact ng LGBT para sa public awareness.
Magsilbi sana aniyang palatandaan na ang Davao ay isa sa mga lungsod na tanggap at patas ang pagtingin sa lipunan.
Inaasahan na madagdagan pa ang mga LGBT Pride pedestrian lane sa Davao.