-- Advertisements --

Emosyonal na ibinahagi ng actress na si Katrina Halili ang pagpanaw ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Jeremy Guiab.

Sa social media account nito ay nagpost ang actress ng larawan ng nobyo na dating vice mayor sa isang bayan ng Lanao del Sur.

Sinasabing pumanaw ito nitong Enero 28 dahil sa atake sa puso.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang kapwa artista at mga malalapit na kaibigan ng actress.