-- Advertisements --

Naibigay na ang katawan ni Russian opposition leader Alexey Navalny sa ina nito, ayon sa online post ng spokesperson nito na si Kira Yarmysh. 

Nagpasalamat din siya sa mga taong nanawagan para mailabas na ang katawan ni Navalny sa kulungan. Nakatakda pang tukuyin ng pamilya ni Navalny ang detalye ng funeral arrangements nito.

Ibinunyag naman ng ina ni Navalny na si Lyudmila Navalnaya na pine-pressure daw siya ng Russian investigators na ilibing nang pasikreto ang kanyang anak.

Tinatakot din umano sila ng ilang awtoridad na ililibing si Navalny sa kulungan kapag hindi sinunod ng ina nito ang naturang kondisyon.

Matatandaan na una ng nagmakaawa ang biyuda ni Navalny na ibigay na sa kanilang pamilya ang katawan nito. Sa video message nito, sinabi ni Navalnaya na tinorture ni Russian President Vladimir Putin ang kanyang asawa at maging ngayong patay na ay patuloy umano itong ginagawa ni Putin. 

Magugunita na noong ika-16 ng Pebrero nang mamatay sa kulungan si Navalny kung saan ibinunton ng ibang world leaders gaya ng Presidente ng UK at US kay President Putin ang nangyari.

Ngunit itinanggi naman ito ng spokesperson ng Kremlin. Namatay umano si Navalny dahil sa natural causes. Ang mga paratang umano ng US at UK ay walang katotohanan at pawang mga akusasyon lamang.