-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inamin ni United Nations (UN) Chief Antonio Guterres na hindi nakamit ng mga pinuno ng iba’t ibang bansa na nakibahagi sa UN Climate Change Summit sa Glasgow, Scotland, ang tunay na hangarin ng nasabing conference.

Ayon kay Guterres, mahalaga ang nabuong kasunduan sa Glasgow Climate Pact na humimok sa nasa 200 bansa na i-report ang pag-usad patungo sa mas malaking “climate ambition” para sa tinatawag na COP27 sa susunod na taon na gaganapin sa Egypt.

Ngunit kailangan aniyang pabilisin ang “climate action” upang mapanatiling buhay ang hangarin na malimitahan ang global temperature rise sa 1.5 degrees.

Dagdag pa ng UN chief, panahon na para sumailalim sa emergency mode sa pamamagitan ng pagpapatigil sa fossil fuel subsidies, pag-phase out ng coal, pagprotekta sa vulnerable communities, at pag-deliver ng $100 billion climate finance commitment.

Nag-iwan din ng mensahe si Guterres sa mga kabataan, gayundin sa indigenous communities, women leaders, at sa lahat ng climate action stakeholders.

Ayon sa pinuno, kailangan magsama-sama ang lahat sa laban kontra sa climate change.