Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-kansela ng Department of Defense (DND) sa kasunduan nito sa Univesity of the Philippines (UP) na nagbabawal sa pagpasok ng militar at pulis sa unibersidad ng walang paalam.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay na ang naturang kasunduan ay paglabag sa “equal Protection Clause” ng konstitusyon.
Paliwanag ni Gapay, hindi lahat ng unibersidad ang may ganitong uri ng kasunduan at mistulang nabigyan ng “preferential treatment” ang UP sa pagpapatupad ng batas.
Wala naman aniyang pinagkaiba ang UP sa ibang mga unibersidad at ang pagbibigay ng ganitong pribilehiyo sa UP ay kontra sa itinatadhana ng konstitusyon na pantay pantay na proteksyon sa ilalim ng batas.
Giit ni Gapay, hindi tama na ipagpaalam pa sa pamunuan ng UP ang pagpapatupad ng mga warrant na lehitimong inisyu ng mga korte, sa loob ng campus.
Dagdag pa ni Gapay, hindi mawawala ang “academic freedom” sa pagkansela ng kasunduan dahil ang “academic freedom” ay ginagarantiyahan ng konstitusyon.
” We find this agreement unfair to the Filipino people and runs contrary to public interest. Thus, the termination of the said accord does not violate the Constitution or any substantive laws of the land. On the contrary, the termination rectifies what we believe was iin fact infringement of our constitution,” pahayag ni Gen. Gapay.










