-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Umabot na sa 1,027 ang mga Aklanon na dinapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Sa inilabas na impormasyon ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) nitong Lunes, Marso 15, sinabing 18 na kaso ang nadagdag sa listahan ng mga COVID-19 positive.
Mayroon namang 23 na pasyente ang nadagdag sa mga gumaling para sa kabuuang bilang na 884 habang 111 pa ang patuloy na nakikipaglaban sa virus.
Kabuuang 32 naman ang nasawi sa virus.