
Nilinaw ng Philippine Coast Guard na aabot sa 900,000 litro at hindi 800,000 litro ang kargang industrial fuel oil ng lumubog ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Ayon kay PCG spokesperson Read Admiral Armand Balilo, batay naging declaration ng kumpanyang nagmamay-ari ng naturang oil tanker.
Ngunit nilinaw niya na sa kabila nito ay hindi pa rin naman aniya “overloaded” ang nasabing barko batay sa kanilang naging pagsusuri sa bigat at capacity nito.
Sa ngayon ay hinihintay pa rin aniya nila ang magiging resulta ng imbestigasyon ng mga kinuukulan ukol sa paglubog ng MT Princess Empress upang alamin kung ito ay dulot ng neglect o isang kaso ng force majeure.
Matatandaang una nang iniulat ng Office of the Civil Defense na umabot na sa kabuuang 31,497 ang bilang ng mga pamilya sa MIMAROPA at Wester Visayas ang naapektuhan ng malawakang oil spill mula sa lumubog na oil tanker, habang pumalo naman sa 13,654 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan naman ang kabuhayan.










