-- Advertisements --

Aprubado na ni US President Joe Biden ang pagpapadala ng karagdagang mga sundalo sa Kabul para tulumong sa ligtas na pagkuha ng mga empleyado ng American embassy at iba pang personnel sa Afghanistan.

Sa isang mahabang statement, dinipensahan ni Biden ang kanyang desisyon na i-withdraw ang nasa humigit mukulang 5,000 US troops sa Afghanistan.

Ayon sa isang opisyal ng US defense, na tumangging magpangalan, sa 5,000 na sinabi ni Biden, 4,000 dito ay dati nang inanunsyo pero nasa 1,000 naman ang bago lang inaprubahan at manggagaling sa 82nd airborne division.

Sinabi ni Biden na gagantihan nila ng military response ang mga hakbang na maglalagay sa peligro sa buhay ng mga US personnel.

Pero nilinaw nito sa mga opisyal ng Taliban sa Qatar na wala sa kanilang option ang indefenite na US military presence.