-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng bagong mga kaso ng Omicron subvariants na BA.5, BA.2.12.1, at BA.4 dito sa bansa.

Iniulat ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire na nasa 50 indibidwal ang panibagong nagpositibo sa BA.5, 11 ang bagong nadapuan ng BA.2.12.1 habang nasa dalawa naman ang bagong nagpositibo sa BA.4.

Sa 50 kaso ng BA.5, ayon kay Vergeire nasa 38 kaso ang naitala mula sa Region 6, 5 mula sa Metro Manila at 7 naman ang retrurning overseas Filipinos (ROFs). Dahil dito, umakyat pa sa 93 ang kabuuang kaso ng BA.5 sa bansa.

Bagamat nasa 41 indibidwal dito ay nakarekober na habang nasa isolation pa ang apat na pasyente at ang limang dinapuan ng sakit ay kasalukuyang biniberipika pa ang kanilang kondisyon.

Samantala sa 11 bagong kaso naman ng new BA.2.12.1 cases, nasa 7 dito ay mula sa Region 6 at apat ang ROFs. Nasa 10 dito ang nakarekober na mula sa sakit habang ang isa naman ay sumasailalim pa sa isolation. Sa ngayon, mayroon ng 43 kaso ng Omicron BA.2.12.2 subvariant na nadetect sa bansa.

Sa dalawang kaso naman ng BA.4, isa sa mga pasyente ay mula sa Region 6 at ang isaay ROF bagamat kapwa nakarekober na ang dalawang pasyente. Sa kabuuan nasa tatlo na ang kaso ng BA.4 subvariants.

Sa kasalukuyan, inaalam pa kung paano nahawaan ng sakit ang mga nasabing indibidwal gayundi kung may mga travel history ang mga ito.

Top