-- Advertisements --
omicron2

Naitala ngayon ng Department of Health (DoH) ang 626 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Habang ang bagong aktibong kaso ay bumaba rin sa 17,263 mula sa dating 17,593.

Dahil sa bagong kaso, ang nationwide COVID-19 tally ay pumalo na sa 4,057,629.

Ang bilang naman ng mga naka-recover ay umakyat na sa 3,975,239 habang ang bilang ng mga namatay ay 65,127.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) ang nananatiling mayroong pinakamataas na kaso ng nakamamatay na sakit na 5,615.

Sinundan ito ng Calabarzon na mayroong 2,395, Central Luzon na mayroong 1,142, Western Visayas na may 653 at Cagayan Valley na may 619.