-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 656 bagong kaso ng mas nakakahawang omicron Covid-19 subvariants.
Base sa latest data mula sa DOH, nasa 624 dito ay bagong kaso ng omicron BA.5, 13 bagong kaso ng BA.4 at isang kaso ng BA.2.12.1 at 18 dito ay ibang sublineages.
Sa mga bagong kaso ng BA.5, karamihan dito ay mula sa Metro Manila (134), Cordillera Administrative Region (119) at Calabarzon (61).
Sa new cases naman ng BA.4, nadetect mual sa Soccsksargen (11), Central Luzon at Central Visayas.
Nakapagtala din ng isang kaso ng BA.2.12.1, ang central luzon.
Ang mga resultang ito ay base sa latest sequencing run na isinagawa noong Setyembre 2.