-- Advertisements --

Karagdagang 516 pang Delata coronavirus variant ang naitala ng Department of Health (DOH).

Sa ngayon, sinabi ng kagawaran na 1,789 na ang kabuuang bilang ng Delta coronavirus variants sa bansa.

Ayon sa DOH, sinabi ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) na ang mga natukoy na bagong Delta coronavirus variant cases ay mula sa 748 sequenced samples galing sa 67 laboratoryo.

Sa karagdagang bilang ng Delta coronavirus variant cases, 473 ang local, 31 ang returning overseas Filipino (ROF), at 12 asng inaalam pa kung sila ba ay local o ROF cases.