-- Advertisements --
Dumating sa bansa ngayong araw ang karagdagang 3 million doses ng mga binili ng pamahalaan na Sinovac COVID-19 vaccine.
Pasado alas-6:00 ng gabi nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang dumating ang karagdagang supply ng mga bakuna na ito.
Marso 1 nang sinimulan ng bansa ang rollout ng vaccination program nito.
Kabilang sa mga brands na dumating sa bansa ay ang Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson, Sinovac, Astrazeneca, at Sputnik V.
Sa ngayon, 2,366,749 na ang COVID-19 cases sa bansa, kung saan 2,151,765 dito ay gumaling na at 36,788 naman ang nasawi.