-- Advertisements --
image 214

Matapos nag apat na sunod-sunod na araw na mas mababa sa 1,000 ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, naitala naman ng Department of Health (DoH) ang mahigit 1,000 kaso ng nakamamatay na virus.

Kahapon nang naitala ng DoH ang kabuulang 1,031 na bagong kaso.

Dahil dito, umabot na sa 4,059,369 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay nasa 16,900 mula sa dating 16,896.

Ang bilang naman ng mga nakarekober ay pumalo na sa 3,977,297 matapos madagdagan ng 870 ang mga gumaling sa viral disease.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR)pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na aabot sa 5,346.

Sinundan ito ng Calabarzon na mayroong 2,339, Central Luzon na mayroong 1,126, Western Visayas na mayroong 624 at Ilocos Region na may 530.