-- Advertisements --
pryde henry teves

Naghain ng certificate of candidacy (COC) si dating Negros Oriental governor Pryde Henry Teves para sa nalalapit na special election para punan ang puwesto ng kanyang kapatid na pinatalsik na mambabatas na si Arnie Teves.

Ginawa ng Commission on Elections (Comelec) ang anunsyo ngayong ikatlong araw ng paghahain ng COC para sa special election sa lalawigan.

Matatandaang si Arnie Teves ay pinatalsik ng kanyang mga kasamahan sa House of Representatives dahil sa hindi maayos na pag-uugali at ang kanyang patuloy na pagliban sa paglilitis sa Kamara.

Kapwa sina Arnie at Henry ay tinaguriang “terorista” ng Anti-Terrorism Council (ATC) kaugnay ng mga pagpatay at harassment sa Negros Oriental.

Si Arnie Teves ay nahaharap din sa mga kasong murder, frustrated murder, at attempted murder kaugnay ng pagpatay kay Negors Oriental Governor Roel Degamo.

Samantala, sinabi ni Pryde Henry na iaapela niya ang kanyang pagbansag sa kanya bilang terorista.

Ang abogado ni Pryde Henry na si Atty. Raymund Fortun, ay gagamit din umano ng legal remedies para tanggalin ang kanyang kliyente sa listahan ng mga itinalagang terorista.