-- Advertisements --
image 163

Prayoridad ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte ang kapakanan ng mga guro kasabay ng pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa kaniyang administrasyon.

Ngayong inaprubahan na ng Department of Budget and Management ang hiling ng Department of Education na lumikha ng limang libong karagdagang posisyon para sa non-teaching personnel sa susunod na taon, magiging benepisyaryo nito ang mga
naturang personnel na magsisilbing Administrative Officers na itatalaga sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Region 9, Region 12 at Region 13.

Tiniyak din niya na matatanggap ng mga guro ang huling tranche ng salary increase alinsunod sa Republic Act 11466.

Aniya, sa liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos, titiyakin nitong napalalabas ang buong potensyal ng mga Pilipino sa kanilang kontribusyon sa tulong ng proteksyon at pagsusulong ng karapatan sa edukasyon.