-- Advertisements --

Sinang-ayunan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang naging posisyon kahapon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kaugnay sa pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na puwedeng mangisda ang mga Chinese sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Ayon sa kalihim, kailangan talagang ipatupad ng ating pamahalaan ang batas kapag mayroong lumalabag sa ating karapatan sa EEZ.

Base sa Article 12 ng ating Konstitusyon, kailangang protektahan ng bansa ang yamang dagat nito sa archipelagic waters, territorial sea maging ang EEZ.

Kailangang gamitin ito exclusive para sa mga Filipino lamang.

Una nang sinabi ni Senior Associate Antonio Carpio na alinsunod sa Konstitusyon hindi maaaring payagan ang ibang bansa na makinabang sa ano mang yamanng nasa EZZ ng Pilipinas.

Sinabi rin ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert del Rosario na impeachable offense ang naging pahayag ng Pangulong Duterte.

Kasabay nito, sinabi ng Malacañang na welcome naman sa kanila kung may mga kritiko na magsasampa ng impeachment complaint laban kay Duterte.