GENERAL SANTOS CITY – Umaasa ang mga miyembro ng Kabus Padatuon o KAPA Community Ministry International Inc. na darating ang kanilang founder sa prayer rally nitong araw sa Pedro Acharon Sports Complex sa Brgy Calumpang nitong lungsod.

Kasunod ito ng lumabas na reports na posibleng dadalo si Joel Apolinario at makiisa sa kanyang mga miyembro sa naturang pagtitipon.

Pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa lahat lalong-lalo na sa mga miyembro ng KAPA kung nasaan na ito.

Matatandaang hindi pa rin ito mahagilap makaraang ni-raid ng National Bureau of Investigation at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang bahay nito dito sa lungsod noong Lunes.

Una rito, ibinahagi ng isang Xian Gaza sa social media ang umano’y planong pag-alis ng bansa ni Apolinario habang tangay ang mga pera na inivest ng mga miyembro nito

Samantala, balak rin umanong ituloy ng libu-libong KAPA members hanggang sa prayer vigil ang kanilang prayer rally nitong araw.

Nabatid na nagpalipas ng gabi ang ilan sa mga ito sa Acharon Sports Complex matapos na kahapon pa nang dumating sa Gensan mula sa ibat -ibang bahagi ng Mindanao at ilan pa nga umano ang mula sa Visayas at Luzon.

kasabay nito, nakataas na ang alerto gn mga otoridad sa lungsod kung saan kahapon pa ay nagdeploy na ng mga pulis sa lungsod kasabay ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong araw.