Reading Time: 1 minute

BUTUAN CITY – Dinaluhan ng ilang daang miyembro ng Kabus Padatoon (KAPA) Community Ministry International ang isinagawang prayer vigil kagabi sa Luneta Park sa Surigao City.

Dito ay binigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng KAPA na mag-alay ng panalangin at maglahad ng kanilang testimonya ukol sa umano’y tulong na naibigay sa kanila ng naturang investment scheme.

Nanawagan din sila kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang utos na ipasara ang KAPA dahil nakakatulong daw ito sa mga mahihirap.

Umani naman ng magkahalong reaksyon ang ginawang prayer vigil ng mga KAPA members.

Para sa iilan, ipinakita lamang umano ng mga sumali sa prayer vigil kung gaano kahalaga sa kanila ang pera.