KORONADAL CITY – Nananawagan ang ilang mga KAPA investors kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan silang mabawi ang pera na kanilang ipinasok sa naturang investment scam.
Isa na rito si alyas Neneng, na dumulog sa Bombo Radyo Koronadal matapos nagkalakas ng loob na ihayag ang kanilang pasanin matapos mabiktima ng Kapa.
Dalawang account ang daw ang mayroon siya sa Kapa, na naglalaman ng P50,000.
Sa loob ng tatlong buwan, nakakatanggap daw siya ng P15,000 mula sa kanyang investment.
Pero matapos maisiwalat ang scam ng Kapa, nangangamba na rin daw sila sa sasapitin ng kanyang mga anak.
Ang investment daw niya sana sa Kapa ang inaasahan niya para sa pagtatapos ng kanyang mga anak sa pag-aaral.
Naiprenda na raw niya ang kanilang sakahan dahil sa kahirapan at ang tanging pag-asa na lamang daw nila sana ay ang maisauli pa sa kanila ang kanilang investment sa Kapa.