-- Advertisements --

Nakapagtala ng bagong record sa Guinness World Record si Blackpink member na si Lisa.

Ito ay matapos na umabot na sa 1 bilyon ang nag-streams ng kaniyang kantang “Money” sa Spotify.

Ayon sa Guinness na ang nasabing kanta ay siyang unang K-Pop song ng solo artist na nakagawa ng nasabing record.

Magugunitang noong Setyembre 2021 ng ilabas ni Lisa ang nasabing kanta na bahagi ng kaniyang solo debut.