Ikinatuwa ng kampo ng nakakulong na si Sen. Leila De Lima ang pagbawi ni Kerwin ng lahat ng kaniyang mga akusasyon laban sa senadora.
Ayon kay Atty. Dino De Leon ang tagapagsalita ng senadora, sinabi nito na natutuwa sila sa development at alam naman nila na sa una palang daw ay wala talagang kasalanan si Sen. De Lima at ang paratang sa kaniya ay gawa-gawa lamang.
Sinabi ni Atty. De Leon sa Bombo Radyo, siguradong masaya ang senadora sa nasabing development dahil unti-unti ng lumalabas ang katotohanan at hindi totoo ang paratang laban sa kaniya na siya ay sangkot sa illegal drug trade sa loob ng Bilibid.
Para sa legal counsel ng senadora ang ginawa sa kaniya ay “character assasination.”
Binigyang-diin ni Atty De Leon na patuloy na nakikipaglaban si Sen. De Lima at hindi ito panghihinaan ng loob.
Aniya, huli silang nag-usap ng senadora noong linggo at kanilang napag-usapan ang kaso nito.
Si Sen. De Lima ay limang taon na rig nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City.