Tiniyak ni PNP chief police Director General Ronald Dela Rosa na hindi nakompromiso ang kampanya nito laban sa terorismo kahit pa ang isa nilang opisyal ay nakipag-relasyon sa isang miyembro ng Abu Sayyaf.

Nabulgar ang relasyon ni PSupt. Maria Cristina Nobleza na isang Abu Sayyaf member na bihasa sa paggawa ng bomba na nakilalang si Ren-ren Dongon matapos sila maaresto sa isang checkpoint noong Sabado.

Ayon kay De La Rosa, ang puso lang ni Nobleza ang nakuha ng ASG.

Malayo din umano ang kaniyang assignment bilang opisyal ng PNP Crime Laboratory upang makapagbigay ng impormasyon sa ASG tungkol sa anti-terrorism campaign ng gobyerno.

Nagpagamit lang umano siya sa ASG dahil sa kaniyang sobrang pagmamahal kay Dongon kaya’t pumayag itong gamitin ang kaniyang sasakyan at personal pang sumama sa Bohol.

Hindi na natuloy ang pag presenta ngayong araw kina Nobleza at Dongon dahil sa sobrang abala umano ni Dela Rosa kaugnay ng ASEAN Summit.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here