-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nilagdaan ng Armed Forces of the Philippines at Police Regional Office Cordillera (PROCOR) ang Oplan Kapanatagan Cordillera – Ilocos Alpha sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet nitong Lunes.

Ayon kay PROCOR Regional Director Police Brigadier General Israel Ephraim Dickson, layunin ng programa na mapatibay ang samahan ng pulisya at militar para masugpo ang insurgency.

Sinabi niya na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga pulis at sundalo ay mapapalakas ang kampanya laban sa mga makakaliwang grupo.

Sinabi pa ni Dickson na isa sa kanilang tututukan ay ang paglaban sa paghikayat ng mga rebeldeng grupo sa mga kabataan para maging kasapi ng nila.