-- Advertisements --

Tiniyak ng liderato ng House of Representatives ang kanilang suporta kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Isang resolusyon ang nakatakdang ipasa ng Kamara sa regular session ngayong hapon na nagpapaabot ng suporta sa chief executive.

Humarap din sa media si House Majority Leader Manuel Jose Dalipe kasama ang ilang lider ng Kamara.

Ang resolusyon ay akda sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sinabi ni Dalipe na layon ng resolusyon na pagtibayin ang suporta ng Mababang Kapulungan kay Pang. Marcos Jr., kasunod ng mga alegasyon sa kanya ni dating Pang. Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ni Dalipe na nais din ng Kamara na pasalamatan si Pres. Marcos Jr. sa naging trabaho niya bilang Presidente ng bansa, at “commitment” para sa isang “Bagong Pilipinas” sa pamamagitan ng nakatutugon at episyenteng mga serbisyo para sa mga Pilipino.