-- Advertisements --
Handa ang Kamara na magpatawag ng meeting sa congressional oversight committee para pag-usapan ang posibleng pagbuo ng Department of Water.
Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, ito ay kahit pa mayroong isang linggo na lamang na natitira para sa 17th Congress bago ito tuluyang magtapos sa Hunyo 30.
Sinabi ni Arroyo na posibleng sa Martes sa susunod na linggo mag-convene ang congressional oversight committee para talakayin ang proposal kasama ang Local Water Utilities Administration (LWUA).