Tiniyak ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na well-protected ang mga dati at kasalukuyang leader ng bansa kasunod ng assassination ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Sinabi ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar na dalawang security groups ang full force para siguruhin ang kaligtasan ni President Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Kinabibilangan ito ng Presidential Security Group (PSG) at Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG).
Inactivate na raw ito ng AFP para sa kaligtasan ng pamilya ng pangulo at pangalawang pangulo.
Maliban sa mga naturang units, karagdagang security personnel din ang idineploy sa mga lugar kung saan bibisita ang Presidente at Bise Presidente.
Dagdag ni Aguilar, ang PSG at VPSPG na raw ang bahala sa mga security setups na kanilang gagamitin para sigiruhin ang seguridad ng dalawang mataas na opisyal ng pamahalaan.
Noong Biyernes nang barilin ang longest serving prime minister ng Japan na si Abe habang nagbibigay ito ng kanyang campaign speech sa Nara City sa Japan.