Mayroon pa ring 165,000 na silid-aralan ang kailangan ng mga paaaralan sa bansa.
Ayon kay Department of Education (DEPED) Secretary Sonny Angara, na dahil sa paglaki ng populasyon sa bansa ay nagkukulang ang mga silid aralan.
Dagdag pa ng kalihim na taon-taon ay tumataas ang bilang ng mga kakulangan ng silid aralan.
Inihalimbawa nito na noong 12 taon ang nakakaraan ay mayroong 55,000 na silid aralan ang kulang subalit ngayon ay nag-triple na.
Para matugunan ang nasabing problema ay gumagawa na sila ng paraan para buhayin ang tinatawag na Public-Private Partnership (PPP) program kung saan noong mga nagdaang taon ay nakagawa sila ng 12,000 hanggang 15,000 na mga silid aralan.
Kasama rin na nakikita nilang solusyon ay ang pagpapalakas ng internet connection para sa mga mag-aaral na sasailalim sa study from home.