KORONADAL CITY – Sa unang pagkakataon, nagsalita na ang kaibigan ni Jeanelyn Villavende sa kaniyang mga naranasan sa Kuwait.
Sa kaniyang inilabas na video message, tinitiis niya ang mga gawaing-bahay kung saan “overworked” ito dahil umaabot daw sa hanggang limang palapag ang bahay ng amo na kaniyang pinagsisilbihan.
Inamin nitong kaya niyang tiisin ang napakalaking responsibilidad, ngunit hindi maatim ang minsan na pagdanas ng sekswal na pang-aabuso.
Ayon sa kaniya, tinatawag siya minsan ng isa sa pitong anak ng kaniyang amo at pinapahawak at pinapalaro ang kaniyang ari nito sa kaniya.
Binantaan niya naman daw ito na isusumbong ang kaniyang ginagawa sa kaniyang among babae, ngunit umalma ito dahil maysakit ang kaniyang ina.
Samantala, ibinahagi nito na nagkakilala sila ni Jeanelyn sa Maynila sa isang clinic para sa medical requirement.
Sobrang sakit aniya ang sinapit ni Jeanelyn sa kaniyang amo, katulad din ng nangyari sa kaniya dati.
Ibinunyag daw ni Jeanelyn sa kaniya na natatakot siya sa kaniyang among lalaki na isang pulis dahil palagi itong nakatingin sa kaniya.
Una nang napabalitang “missing” si Magtulis ngunit batay sa latest update ay nasa accommodation na umano ito ng kanyang agency.