-- Advertisements --
image 2

Ipinunto ngayon ng mga key national security at foreign relations experts ang kahalagahan ng dayalogo at diplomasya sa pagresolba sa contentious issues sa West Philippine Sea at para mapigilan na rin ang ano mang digmaan.

Binigyang diin ni National Security Adviser at Professor Clarita Carlos ang naging sintimiyento ni Pangulong President Ferdinand Marcos Jr’ kaugnay ng kahalagahan ng dialogue at diplomacy para maiwasan ang ano mang tunggalian.

Nanindigan din si dating ambassador at undersecretary of Foreign Affairs, Ambassador Rosario Manalo na mas mainama na paraan pa rin ang diplomatic solutions para maiwasang uminit pa ang kasalukuyang state of affairs.

Sinabi rin ni dating PNP general at ngayon ay Baguio Mayor Benjamin Magalong, na apektado rin ang northern city sa naturang isyu sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng pagtaas ng presyo ng isda.

Nakatanggap din umano ang alkalde ng mga balitang ang mga mangingisda ng Pilipinas ay hindi pinapayagang makapangisda sa area kaya naman may kakulangan ng supply at pagpipiliang isda sa mga merkado publiko sa Baguio.

Para naman kay dating Defense Secretary Gilbert Teodoro, ipinunto nitong kalangan daw ng mraming skilled diplomacy para maresolba ang naturang isyu.

Pero isa raw ang hindi maitatanggi dito, ang pangkabuhayan ng mga mangingisda sa bansa ay apektado.

Nanindigan si Teodoro na mahalaga ang multilateralism dahil napipigilan nito ang isanmalakas na bansa sa pambu-bully sa mga mas maliliit na bansa.