Kabuuang P8.5M halaga ng shabu, nasabat sa dalawang hiwalay na operasyon sa Cebu; Dalawang HVI, arestado kabilang ang isang ex-convict
CEBU CITY – Aabot sa kabuuang P8.5 million pesos na halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa dalawang magkahiwalay na buy bust operation nitong Biyernes, Hulyo 29 sa Cebu kung saan dalawang high-value individual ang arestado.
Unang naaresto sa ikinasang buy bust sa Brgy. Ermita nitong lungsod ng Cebu ang isang kinilalang si Archie Diano Lañojan, 42 anyos.
Nakumpiska mula sa posisyon ni Lañojan ang 1,020 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.9 million pesos.
Inihayag ni PMaj Dindo Alaras na isinailalim sa surveillance ang suspek sa nakalipas na dalawang buwan.
Dati na rin umano itong nakulong taong 2016 pero nakalaya lang noong 2019 at kabilang pa ito sa top 10 priority drug personalities.
Samantala, isang 23 anyos naman ang naaresto sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Tangke lungsod ng Talisay matapos makumpiska ang P1.5 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu.
Nakilala ang naaresto na si Jedy Selitorio, na isang Grade 11 student.
Makapagdispose pa si Selitorio ng 250 gramo ng shabu kada linggo sa Barangay Mambaling, Pardo, at Inayawan nitong lungsod.
Nahaharap ngayon ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.