Target ng pamunuan ng PNP na palawakin pa ang kaalaman ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal and Canine (EOD/K9) Group sa pagtugon sa mga bomb threats at pag-diffused ng mga improvised explosive device (IED) lalo at nag a-upgrade din ang teroristang grupo.
Ito ang naging mensahe ni PNP OIC chief, PLt Gen. Vicente Danao Jr. sa pagdiriwang ng nasabing unit ng kanilang ika anim na anibersaryo kahapon na may temang: Competency and Community Awareness Realizing Lasting Partnership of Outstanding Service and Safer Community.
Highlight ng nasabing aktibidad ay ang pagpaparangal sa mga outstanding EOD/K9 Personnel, Units at Stakeholders.
Ayon kay PNP OIC Chief nais niyang sumailalim pa sa ibat-ibang trainings ang EOD/K9 units para mas update ang mga ito sa pagtugon sa sandaling may banta ng pamomomba.
Sinabi ni ni Danao, mahalaga ang mayruong sapat na kaalaman kung papaano maiwasan ang pamomomba, paano ma detect ang would-be bombers at paano maiwasan ang human bombers.
Aniya, ang mga kalaban ay patuloy din sa kanilang innovation maging tagumpay lamang ang kanilang masamang balak na maghasik ng karahasan.
Bilin ni Danao sa hepe ng PNP EOD/K9 unit makilahok sa mga seminars and trainings para mapalawak pa ang kaalaman ng mga tauhan nito.
Pinatitiyak din ni Danao na natatanggap ng mga miyembro ng EOD/K9 team ang kanilang hazard pay.
indi basta basta ang pag diffuse ng mga IED o bomba lalo at buhay din ng isang bomb technician ang nakasalalay.