-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa muli ng concert sa bansa ang K-pop girl group na ITZY.
Ayon sa group na isasagawa ang kanilang “Born To Be” World Tour sa Agosto 3 2024 sa Mall of Asia Arena.
Tanging mga miyembro lamang na sina Yeji, Ryujin, Chaeryeong at Yuna ang makakapunta dahil ang bokalista nila na si Lia ay nagpapahinga para tugunan ang isyung pangkalusugan.
Nagsagawa na ang grupo noong Disyembre 2023 sa Asia Artist Awards.