-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Canadian pop star Justin Bieber na ito ay pansamantalang titigil sa kaniyang career.

Sa kaniyang social media account sinabi nito na siya ay dinapuan ng Ramsay Hunt syndrome na sanhi ng hindi paggalaw ng kalahati ng kaniyang mukha.

Dagdag pa nito na mula ito sa virus na umatake sa kaniyang ugat sa tenga at mukha na sanhi ng pagiging paralisado ng mukha.

Ipinakita pa nito sa video sa social media na hindi niya maigalaw ang mata, maka-ngiti sa kalahati ng mukha.

Humingi na lamang ito ng pang-unawa sa mga fans dahil sa kanselasyon ng kaniyang mga concerts.

Pinasalamatan niya ang kaniyang mga fans na nagpaabot ng pagdarasal para sa agaran nitong paggaling.

Nauna rito, noong Marso ay inoperahan ang asawa nitong si Haliley Bieber dahil sa maliit ng pamumuo ng dugo sa utak.

Dumanas umano ang modelo ng mini-stroke na nagdulot ng pagkabutas ng puso nito.