-- Advertisements --

May dayalogo si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa pamilya ng ilang mga nawawalang sabungero, ngayong Biyernes.
Sinabi ni Remulla na kasama rin sa pulong ang National Bureau of Investigation o NBI at ang Philippine National Police o PNP.
Nang matanong kung ilang pamilya ang kasama sa dayalogo, hindi nabanggit ng kalihim.
Matatandaan na matagal nang hinihintay ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero ang resoluyon ng imbestigasyon ng DOJ.
Pero ayon kay Remulla, kung mayroon nang resoluyon ay agad nila itong ilalabas.









