Makakasama ng Gilas Pilipinas ang batikang basketball player ng bansa na si Gilas Pilipinas at San Miguel Center June Mar Fajardo.
Ayon kay Fajardo, umaasa siyang sa linggong ito ay mabibigyan na siya ng clearance mula sa kanyang koponan, para sumama sa isasagawang training ng FIBA sa Europe.
Tiniyak ng PBA Center na malusog ito at kaya nang makipagsabayan sa mga training at iba pang court activities.
Kailangan na lamang aniya ng mga karagdagan pang conditioning.
Maalalang nagka-injury ang tuhod ni Fajardo sa naging kampanya ng Beermen sa East Asia Super League Champions Week noong buwan ng Marso.
Ang nasabing injury ang nagpigil sa kanya upang matulungan ang kanyang team na makuha ang kampeonato sa nakalipas na PBA Governor’s Cup.
Kung maisasama naman si Fajardo sa Team Gilas para sa FIBA 2023 na magsisimula na sa Agusto, ito na ang pangatlong World Cup appearance nito.