-- Advertisements --

Tinanggap na ni Anthony Joshua ang hamon ni Tyson Fury para labanan siya sa Disyembre.

Hinamon kasi ni Fury si Joshu para sa “Battle of Britain” para sa WBC heavyweight boxing belt.

Ayon sa 32-anyos na si Joshua na matapos ang pagkatalo niya kay WBA, WBO, IBF at IBO champion Oleksandr Usyk noong nakaraang buwan sa Saudi Arabia ay nais niyang makabalik sa boxing sa katapusan ng taon.

Una na rin sinabi ni 34-anyos na si Fury noong Abril na nais lamang niyang tuparin ang pangako niya sa kaniyang asawa na siya ay magreretiro na sa boxing.

Pinapabilis naman ni Joshua kay Fury na dapat ay mapirmahan na ang kanilang kontrata.