-- Advertisements --

balikatan1

Kinumpirma ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana na tuloy na ang Joint RP-US Balikatan exercises ngayong taon, subalit kakaiba ito sa mga previous exercises dahil sa Covid-19 pandemic.

Ayon sa Chief of Staff ngayong araw, April 12,2021 magsisimula ang dalawang linggong joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Nasa 1,700 sundalo ang lalahok ngayong 2021 Balikatan exercises, kung saan 700 dito mula sa US Armed Forces at nasa 1000 naman mula sa AFP.

Tatagal lamang ng dalawang linggo ang joint exercise ng Pilipinas at Amerika.

Simpleng opening ceremony lamang ang gagawin ngayong araw sa canopy ng Camp Aguinaldo at walang imbitado na media dahil sa social distancing protocol.

” Meron tayong mga virtual portion of the exercise, meron din physical contact pero minimal hindi kasing laki ng mga previous balikatan exercise,” wika ni Sobejana.

Ayon sa Chief of Staff, yung mga usual na ginagawa dati na may mga scenarios, subalit pinilit nilang ituloy ngayong taon sa kabila ng limitasyon.

balikatan3

Nakatakdang makipag pulong si Sobejana sa opisyal ng Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) sa pangunguna ni Col. Steve Ma kaugnay sa tulong na kanilang hihilingin sa Amerika hinggil sa Chinese intrusion sa West Phl Sea.

Ayon sa heneral ilalatag nila sa kanilang US counterpart ang mga nais nilang mangyari lalo na sa West Phl Sea.


Dagdag pa nito naka sentro ang kanilang pag-uusap sa Mutual Defense Treaty (MDT).

“Ito na nga yung ating meeting with JUSMAG para mailatag natin ng mabuti, within the framework of the MDT pairalin natin, we will address the security issue prevailing at the West Phl Sea,” pahayag ni Gen. Sobejana.

Sa kabilang dako, nakapasok na sa South China Sea o West Phl Sea ang US Navy’sTheodore Roosevelt Carrier Strike Group (TRCSG).

Idineploy ang TRCSG sa 7th Fleet area of operations.

balikatan2

Ayon sa US Navy habang nasa South China Sea ang Theodore Roosevelt Carrier Strike Group, Makin Island Amphibious Ready Group at ang Ticonderoga- class guided-missile cruiser USS Port Royal (CG73) ay magsasagawa ito ng fixed and rotary wing flight operations, maritime strike exercises, anti-submarine operations at coordinated tactical training.