-- Advertisements --

Tahasang nilinaw ni Jinri Park na mas masaya siya sa kanyang bagong buhay sa Australia, na malayo sa celebrity status noong nasa Pilipinas pa.

Pahayag ito ng 32-year-old South Korean model/disk jockey, isang linggo matapos umani ng pagpuna sa kanyang anunsyo na nagtatrabaho na siya bilang waitress.

Ayon kay Park, walang masama sa pagiging waitress kaya wala ring dahilan para maging miserable ang kanyang buhay.

Kontento aniya siya sa sariling diskarte para kumita ng pera na kanyang gagamitin sa planong mag-aral muli, kahit pa nais pa rin siyang tustusan ng mga magulang.

https://www.instagram.com/p/CCmsSoJhY3l/

Si Park ay kabilang sa mga ikinasal sa panahon ng pandemic kaya simpleng seremonya lamang ang naganap sa Australia, kasama lamang ang pamilya ng kanyang half Filipino husband.