-- Advertisements --
Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura si dating senator Jose “Jinggoy” Estrada ngayong araw ng Linggo, Oktubre 3, para sa kanyang pagtakbo bilang senador sa halalan sa 2022.
Alas-2:55 ng hapon nang naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Estrada, isang araw matapos namang maghain din ng kanyang kandidatura sa pagka-senador ang kanyang kapatid na si dati ring senator JV Ejercito sa Harbor Garden Tent sa Sofitel hotel sa Pasay City.
Si Estrada ay tatakbo sa ilalim ng Pwersa ng Masang Pilipino, na siyang partido rin ng kanyang ama, na si dating pangulong Joseph Ejercito Estrada.