-- Advertisements --
Jimuel pacquiao marvin somodio
Trainer Marvin Somodio with Pacquiao’s eldest son Jimuel

Nagtala nang panibagong panalo ang anak ni dating Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao matapos na talunin via decision si Dylan Merriken sa laban na ginanap sa Quiet Cannon Conference and Event Center sa Montebello, California nitong araw ng Biyernes.

Ang panalo ng 21-anyos na si Pacquiao sa three-round bout ay bilang pagbangon sa kanyang unang career loss noong nakalipas na buwan ng Hunyo laban sa American na si Chris Smith.

Sa ngayon hawak na ni Jimuel ang 4-1 win-loss record.

Personal namang nanood sa ringside sa laban ng panganay ng boxing legend ang ina na si Jinkee at ang mga kapatid na sina Mary Divine Grace at Queen Elizabeth at ang MP Promotions president na si Sean Gibbons.

-- Advertisement --

Aminado naman si Jinkee na mas kinakabahan siya ng husto sa laban ng anak kumpara sa mga dating laban ng mister.

Si Jimuel ay sumasailalim sa training sa sikat na Wild Card Gym sa kamay ng kababayang trainer na si Marvin Somodio.