-- Advertisements --
Hindi umano kailanman ikakahiya ni Jennylyn Mercado kung hindi man nito nakatuluyan ang ama ng kanyang anak.
Pahayag ito ng 33-year-old actress kasunod ng pagpuna na naman ng ilang kritiko ng siya ay naanakan lang.
Ayon kay Jen, hindi nakakabawas ng pagkababae kung maaga mang nagka-anak lalo’t mahirap magpaka-ina at ama.
Sa ngayon ay kasintahan ni Jen si Dennis Trillo at malapit naman ito sa ngayo’y 12-anyos na niyang anak, sa ex-boyfriend na si Patrick Garcia.