-- Advertisements --
Tinawanan na lamang ni Jennifer Lawrence ang naganap na wardrobe malfunction.
Naganap ang insidente sa isang Holiday Lightning ceremony sa New York City.
Habang ito ay nasa podium ay bigla na lamang natanggal ang kaniyang sinturon na nagdulot ng pagluwag ng kaniyang coat.
Napasigaw ito ng bahagya dahil sa pagkabigla at huminigi ito ng paumanhin sa mga fans.
Umani naman ng paghanga ang ginawa na ito ng actress dahil sa pagiging professional niya ng ipinagpatuloy ang kaniyang talumpati.