-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Blackpink member na si Jennie ang paglabas ng kaniyang bagong kanta.

Ayon sa Korean star na may titulong “You and Me” ang bagong kanta niya na ilalabas sa Oktubre 6.

Ibinahagi rin ito sa kaniyang social media ang poster ng kanta.

Taong 2019 ng maglabas ito ng solo album kasabay ng kantang “Solo”.

Magugunitang naging headline ang grupo sa Coachella concert ngayong taon at nagsagawa rin ang mga ito ng two-night concert sa Philippine Arena noong Marso.