-- Advertisements --

Sasagutin ng gobyerno ng Japan ang COVID-19 vaccine na ipapamahagi sa kanilang mamamayan.

Sinabi ni Economy Miniser Yasutoshi Nishimura, ang namumuno ng coronavirus response, ito ay para malabanan ang pakalat ng pandemic.

Mangangalap din aniya sila ng pondo para may magastos sakaling mayroong magiging side effects mula sa bakuna.

Sang-ayon naman ang maraming opisyal ng gobyerno sa nasabing panukala.